“Ang huling El Bimbo”
Patuloy pa ring nakakapanindig balahibo ang music video at kanta ng eraserheads, nakakatuwang inabutan ko pa sila kumanta. Nakakamiss lang yung mga araw ng kasikatan nila, pero sabi nga ni eli buendia sa isang interview ” Band normally dies “. Pero yung memory ng kanta eh nasa tao na.
Tama nga naman, naging living legacy sila sa karamihan, naging inspirasyon sila ng mga bagong banda. Pero iba pa rin talaga ang charisma at appeal nang E-heads, kakaiba ang mga lyrics na binitawan, mabigat, mahirap dalhin, mahirap pasanin. Patuloy akong magiging Idolo ng bandang ito, wala man ang banda nila ngayon, nasakin pa rin naman ang mga kanta nila na patuloy kong pakikinggan.
” Sa panaginip na lang kita pala maisasayaw “
Via Im not Bob Ong, Im not PapaJack,Im simply Rhadson.
